Thursday, August 31, 2006

Inhumane Butcher



Maraming katayang hindi sumusunod sa mga alituntunin kaya nababansagang malulupit at walang awa sa hayop ang mga ito. Ano nga ba ang wasto at maka-taong pagkatay sa hayop?

Kare-Kare, Sinigang, Menudo. Mahilig talaga sa putaheng may karne ang mga Pilipino. Pero ang mga baboy at baka na sangkap sa mga putaheng ito, tila matinding hirap ang pinagdaraanan bago pa man lumapag sa ating mga hapag-kainan.

Noong nakaraang buwan, iniulat ng Reporter’s Notebook ang isang makapanindig-balahibong sitwasyon sa isang slaughterhouse sa Bacolod. Pero bukod sa kalagayan ng mga hayop at trabahador, may isa pang bagay na nakatawag sa kanilang pansin.

Sa pagpapabagsak ng mga hayop bago katayin, gumagamit ng pangunguryente ang mga matador sa mga baboy. Pagdating naman sa malalaking hayop tulad ng kabayo at kalabaw, binabambo ang mga ito sa ulo hanggang bumagsak.

Sa atin, gamit pa rin ng karamihan ang tradisyunal na paraan ng pagkatay sa baboy at baka tulad ng pamumukpok ng ilang ulit. Sanay na sanay ang mga mataderong naririnig ang sigaw ng pinapatay na hayop. Ang problema, hindi sa lahat ng oras ay mawawalan kaagad ng malay ang mga ito. Kaya ilang pukpok pa ang kakailanganin bago sila tuluyang mahilo.

Pagdating naman sa mga malalaking hayop, isang kutsilyo ang ginagamit. Ang mahirap naman sa paraang ito, kung hindi sanay ang gagawa, ilang beses sasaksakin ang ulo ng hayop bago ito tuluyang bumagsak. Para sa mahina ang loob, mahirap tignan ang mga hayop na lumuluha sa sakit habang pinapatay.

Sa isang slaughterhouse naman sa Quezon City, tubo rin ang ginagamit sa pagpatay sa mga hayop. Tulad ng sa naunang bahay-katayan, kung minsan ay halos mabasag na ang bungo ng mga baboy sa dami ng palo bago mawalan ng malay.

Nakasanayan na nga raw ang paraan ito lalo na sa mga probinsya. Pero ano nga ba ang tamang reglamento?

Ayon sa People’s and the Ethical Treatment of Animals (PETA), hindi makatao ang ganitong klase ng pagpatay sa mga hayop.

“Yung ibang tao, kahit binubugbog sila nararamdaman pa rin nila. Hindi sila kaagad nawawalan ng malay. It’s the same way with the animals and it’s a cruelty.” -- Therese Sua, Philippine Campaign Assisstant, PETA

Ang pamantayang ito ay pamantayan ng mayayamang lipunan tulad ng Amerika na may magagarang gamit sa pagkatay. Sa kanila kasi, alagang-alaga ang mga hayop at di nila maatim na makitang nasasaktan ang mga ito, kahit pa kakainin din nila ito sa bandang huli.






Source:
Maki Pulido
GMA 7, Reporter’s Notebook
August 29, 2006

Wednesday, August 30, 2006

Ang Pagbabalik ni Bakekang!


HISTORY

A comic novel written by Carlo J. Caparas: Bakekang was made into movie in 1978. It was starred by Philippine Superstar Nora Aunor and directed by F.H. Constantino.

In the film version, Bakekang is an ugly woman who begets a very beautiful twin girl from a foreigner. A movie fan as she is, she compels her daughter, named Kristal, to join show business. Her daughter becomes a big star and Bakekang, a stage mother.

Other notable characters were Perla Bautista, Renato Robles, Ruben Tison, and Crystal, daughter of Bakekang.
SUNSHINE DIZON as BAKEKANG!

It is now confirmed that Sunshine Dizon will play the lead role of Bakekang, the upcoming teleserye of GMA 7 directed by Gil Tejada and Khryss Adalia. Sunshine Dizon was surprised to find out that she was the no. 1 choice by GMA executives. GMA Network has targeted a September 11 pilot telecast to replace I Luv NY. The series will run for 18 weeks.

Other casts will include Lovi Poe (Crystal), Yasmien Kurdi (Charming), Nadine Samonte (Lorraine, daughter of Sheryl Cruz), Sheryl Cruz, Gladys Reyes, Julia Clarete and Iwa Moto (Villains), Dion Ignacio, Tyrone Perez, Marky Cielo and Cogie Domingo (Leading Men of the Daughters), Raymart Santiago and Jay Manalo (Leading Men of Bakekang).

ROLES:

Most lead roles will be played by young talents of GMA.
  • Lovi Poe and Yasmien Kurdi will play Sunshine Dizon's daughters, while Nadine Samonte will play Sheryl Cruz's daughter.
  • Sheryl Cruz and her daughter will play Sunshine Dizon and her daughters rival to fame. Sheryl and Sunshine will also fight over the affection of Jay Manalo.
  • Gladys Reyes is in love with Raymart Santiago, but Raymart is in love with Sunshine. Gladys and Tyron Perez will play Sunshine's evil cousin. Tyron is a drug addict and a rapist.
  • Nadine Samonte and Lovi Poe will fight over Cogie Domingo, while Yasmien Kurdi and Iwa Moto will fight over Marky Cielo. Dion Ignacio is in love with Nadine Samonte.

Tuesday, August 29, 2006

Salitang Kalye...

Forwarded e-mail lang mula sa isang kaibigan... Madalas na nating marinig ang mga ito sa ating paligid... sa palengke, sa bahay, sa opisina, sa eskwela, sa banyo, sa jeep at kung saan-saan pa. SALITANG KALYE sabi nga nila. Mga salitang hango sa mga mapanuri at mapang-imbetong kaisipan ng mga Pilipino.
Narito ang listahan at kahulugan ng mga salitang kanto na malimit nating marinig:
Paunawa: Ang mga salitang inyong mababasa ay nagtataglay ng mga maseselang bagay na di angkop sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulang ay kailangan.
1. BAKTOL--- ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. ito'y dumidikit sa damit, at humahalo sa pawis. Madalas na naaamoy tuwing registration, sa elevator o sa loob ng FX.

2. KUKURIKAPU--- libag sa ilalim ng boobs. madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. maaari ding mamuo kung hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. Ang KUKURIKAPU ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang joga.

3. MULMUL--- buhok sa gitna ng isang nunal. mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal, subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na bunutin paito, maliban na lamang kung ipapa-laser ito.

4. BURNIK--- taeng sumabit sa buhok sa pwet. madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo naito. ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang ito'y maalis.

5. ALPOMBRA--- kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa quiapo. Ito'y may makipot na suotan ng paa, at manipis na swelas. mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot ng mg lalaki ,available in blue,red, green, etc.

6. BAKOKANG--- higanteng peklat. ito'y madalas na dulot ng mga sugat na malaki na hindi ginamitan ng sebo de macho habang natutuyo. imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito'y mayroong makintab na takip.

7. AGIHAP--- libag na dumikit sa panty o brief. nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay suotsuot na nang hindi bumababa sa tatlong araw.

8. DUKIT--- ito ang amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwit o sa puwit ng iba.

9. SPONGKLONG --- ito'y isang bagong wikaan nangangahulugan isang estupidong tao.

10. LAPONGGA --- ito'y kahintulad sa laplapan o kaya sa lamasan.

11. WENEKLEK --- ito ang buhok sa utong nakadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito.

12. BAKTONG --- Pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.

13. BAKTI --- Bakat na etits.

14. ASOGUE --- Buhok sa kilikili

15. BARNAKOL --- Maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon.

16. BULTOKACHI --- Tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak.

17. BUTUTUY --- Etits ng bata.

18. JABARR --- Pawis ng katawan.

19. KALAMANTUTAY --- Mabahong pangalan.

20. McARTHUR --- taeng bumabalik after mong i-flush.

let me add BASKIL --- Basang kilikili...

No ID, No Entry


Madalas mangyari saken ito lalo na nung high school.
Parati ko kasing naiiwan yung ID ko...
lalo na 'pag nagmamadali na akong pumasok.
Nakakatuwang alalahanin...
Mahirap maging pasaway...
Pero dahil dito, nagbago ako...

Masturbating In The Toilet...

Yeah right.


Both my hands are pink and feel so raw from continually plunging a strong hard shaft up and down. I thought hmm… it’s not coming along wellmaybe I need to maintain the 45 degree angle? So I shifted from the vertical to the angle, and continued my assault…


Up and down. Up and down.


My hands and arms were beginning to ache…


Up and down. Up and down.


I was getting wet…


Up and down. Up and down.



It was, like, 15 mins. already…


Up and down. Up and down.


Maybe I need to go faster?


Updown! Updown! Updown! Updown! Updown! Updown!


When will it end?!



Updown! Updown! Updown! Updown! Updown! Updown!


Ang tagal naman nito!... Hmmp!

Updown! Updown! Updown! Updown! Updown! Updown!


Fucking shit!


Well, thank god there was none.


Shit! I mean...


The toilet clogged again, and I had to wank the plunger down the bowl to drain it. The water was slopping over the rim and getting to my slippers.



Aaaaah. (Relief)

Monday, August 28, 2006

A Leader's Note

“I really believe that there is a need to organize
the youth so that they may mobilize themselves
into becoming agents of change”
-Alfonso Tomas "Atom" Araullo
(t.v. personality, sportsman & activist)

Friday, August 25, 2006

Condom Advertisement

... You'd be stupid not to wear them ...

Huling Pahina

My friend was going home from Laguna to Manila and was traversing a stretch of road na madilim, then it happened, tumirik bigla yung kotse for no apparent reason. He checked the gas gauge, half filled naman, no other engine malfunction sa gauges… basta the car just "died" on him.

Nearby was this Acacia Tree so he decided na mag-jingle muna, then he heard a deep voice behind him saying: "psssttt!, halika dito". There he saw this very old man. Medyo natakot at nagulat siya, kasi nanlilisik yung mga mata, mahaba ang buhok… mukhang ermitanyo. Tinawag siya and he saw the old man was carrying a book. At first hesitant, pero there was this force urging him to come over.
When he came over, the old man handed him the book, para lang siyang pocket book, but colored black. The old man then told him that he has to pay for it, Php700 daw. Thinking that he still needs money to have his car fixed, siyempre ayaw niyang tanggapin yung book. Pero nanlisik lalo yung mata nung matanda at pinilit siyang bayaran yung book. Dahil sa takot, binayaran din niya yung libro. After paying for it, sabi sa kanya na huwag na huwag niyang titignan yung last page ng libro, kung hindi ay magsisisi s’ya.
He wanted to ask for directions, but the old man started walking towards the darker part of the fields, and biglang nawala. Luckily may bus na dumaan and he asked to be brought down sa bayan. There he looked for a place to spend the night, para balikan yung car niya the next day.


In his room, he couldn't sleep, and remembered the book he bought for Php700, kaya kinuha niya ito at binasa. It was about the supernatural and engkantos. He has read a chapter na rin and was feeling sleepy, so tinabi niya sa side table. Then he remembered yung sinabi nung matanda about the last page. He was undecided at the same time… natatakot dun sa warning nung matanda about opening the last page. So he gathered enough courage to open it to the last page, opened his eyes and got the shock of his life...













National Book Store... P49.75

Thursday, August 24, 2006

Copycat!


Captain Barbell vs. Superman
COMING SOON!
IN THEATERS 2007

Ang Nawawalang Piso...



Kahapon, sa aking pagmumuni-muni ay nakatanggap ako ng e-mail mula sa isang mabuting kaibigan. Dali-dali kong binasa sa pag-aakalang ito'y mahalaga... at nang ito'y aking mabasa, haayy... kamote! Sumakit ang ulo ko sa kaiisip, kaya naisipan kong i-post ito dito sa blog at subukin din ang inyong mga utak...

O, tingnan ko nga kung kaya n'yo 'to... Saan nga ba napunta ang piso??? Sagutin nyo nga... na-ma-migraine na ako sa kakaisip!... hehehe! Nakakatuyo ng utak!

Huwag n'yo lang dibdibin masyado ha... piso lang 'yan...

May natagpuan kang T-shirt sa Department store, ito ay nagkakahalaga ng Php97.00. Wala kang pera, kaya humiram ka sa nanay mo ng Php 50.00 at sa tatay mo ng Php 50.00. Magkano na pera mo? (ans: Php 100.00)

Binili mo ang T-Shirt. Magkano sukli mo? (ans: Php 3.00) Binalik mo yung piso sa nanay mo, magkano na lang ang utang mo sa nanay mo? (ans: Php 49.00) Binalik mo yung isa pang piso sa tatay mo, magkano na lang utang mo sa tatay mo? (ans: Php 49.00)

Yung isang piso na sa iyo. Eto na ang pang-gulo... 49 + 49 ? (ans: 98) + piso na nasa iyo? (ans: 99) Nasaan na yung Piso?

Eto naman ang isang kalkulasyon:

49 Php ang utang mo kay nanay plus yung ibinayad mong piso equals to 50. 49 Php ang utang mo kay tatay plus yung ibinayad mong piso equals to 50. 50 + 50 ? (ans: 100) + yung piso na nasa iyo... (ans: 101)

Bakit sobra ng piso?

Tumubo pa ng piso?! "

Wednesday, August 23, 2006

Ginapang Ako!

Napansin ko na siyang aali-aligid bago ako matulog pero 'di ko pinansin. Antok na antok na ako, bibigyan ko pa ba siya ng atensiyon? Mga alas-dos na ng madaling-araw, ginising ako ng marahang dampi ng kanyang kamay sa aking paa, gumapang sa binti, hanggang sa balakang at umakyat sa braso papunta sa aking...
Napabalikwas ako at binigyan ng mag-asawang sampal ang damuho. Sargo ang laway.
ANG BAHO!!! Nalaglag sa sahig, hinagilap ko ang sinelas at pinalo siya nang pinalo...
'Langyang IPIS 'toh!!!

Confessions: A Daughter's Letter To Her Dad

Daddy,

Ipagpaumanhin n’yo ni Mommy ang pagsulat ko sa inyo para ipaalam na ako’y aalis na sa inyong poder. Ako'y sasama na sa aking bagong boyfriend na si Mark dahil gusto kong takasan na kayo ni Mommy. Natagpuan ko na kay Mark ang tunay na pagmamahal at napakabait n’ya sa akin, napaka-lambing n’ya hindi tulad ng iba kong naging boyfriend. Alam ko na 'pag nakilala n’yo sya ay magugustuhan n’yo din siya, lalo na ang kanyang mga hikaw, tattoo nya sa lahat ng parte ng kanyang katawan at ang pang-motorsiklo n'yang damit. Hindi lang sa pagkakaiba nya Dad kaya ko sya mahal na mahal, ito ay dahil sa buntis ako at sabi ni Mark na gusto n’yang magkaanak sya sa akin para lalo kaming sumaya sa aming pagsasama. Kahit na matanda sya sa akin (42 na s’ya Dad, ‘di pa naman matanda sa ngayon and edad nya ‘di ba?) kahit na wala syang pera, ‘di naman ito hadlang sa aming relasyon, hindi ba Dad?
Siya nga pala Dad, maraming CD collection si Mark, meron din s’yang trailer na truck na kung saan doon kami magsasama, pinaka bahay na namin ang trailer, at marami na rin s'yang stock na panggatong para magamit namin sa buong buwan ng taglamig. Totoo na meron pa s'yang ibang girlfriend pero alam ko na magiging tapat sya sa akin sa kanyang sariling pamamaraan, sa katunayan gusto n’yang magkaroon kami ng maraming anak at ito ang isa sa aking ambisyon. Tinuruan na nga pala n'ya akong humithit ng marijuana at totoong masarap sa pakiramdam, sa katunayan nagtanim na s’ya para ipagpalit sa aming mga kaibigan ng shabu at ecstasy na gusto namin.
Dad, sana ipagdasal mo na matuklasan na ang gamot sa AIDS para gumaling na si Mark, kasi deserving naman sya na gumaling!! Huwag kang mag alala Dad, 15 years old na ako at alam ko na kung paano pangalagaan ang aking sarili. Makikita mo Dad, ipagmamalaki mo rin ako at balang araw bibisita kami sa inyo para naman makilala mo ang iyong mga apo.
Nagmamahal mong anak,
Irene
PS:
Dad, hindi totoo mga sinabi ko sa sulat. Nandito lang ako sa kapitbahay, ipinapaalala ko lang sa iyo na mas marami pang dapat ikatakot sa buhay kesa sa aking report card na nasa drawer. Pakipirmahan na lang po at tawagan ako kung safe na akong umuwi dyan sa bahay.
I love you...