Shutter...

Ang larawang ito ay kuha sa roof top ng bahay ng isa kong kaibigan gamit ang isang digital camera (digicam). Makikita sa larawan ang isang imahe ng lalaki (tignan ang imaheng may bilog na pula) na masamang nakatingin sa amin habang kami'y nagkakasayahan.
Ito po ay totoo, walang bahagi ng larawang ito ang inedit o inayos upang maging basehan ng katatakutan at kababalaghan.
Sa maniwala kayo sa hindi, may mga pangyayari talaga na minsan ay hindi natin maipaliwanag. Maging ako mismo ay hindi naniniwala sa mga ganitong pangyayari, pero matpos makunan ang larawang ito, ngayon ko lang napatunayan sa sarili ko na mali ang pananaw ko. Di man natin sila nakikita, nararamdam o nakakausap... alam natin na nandyan lang sila sa paligid...
Orihinal na Kuha ni:
Zanjhei
September 2, 2006, 12:34 am


0 Comments:
Post a Comment
<< Home