Wednesday, August 23, 2006

Confessions: A Daughter's Letter To Her Dad

Daddy,

Ipagpaumanhin n’yo ni Mommy ang pagsulat ko sa inyo para ipaalam na ako’y aalis na sa inyong poder. Ako'y sasama na sa aking bagong boyfriend na si Mark dahil gusto kong takasan na kayo ni Mommy. Natagpuan ko na kay Mark ang tunay na pagmamahal at napakabait n’ya sa akin, napaka-lambing n’ya hindi tulad ng iba kong naging boyfriend. Alam ko na 'pag nakilala n’yo sya ay magugustuhan n’yo din siya, lalo na ang kanyang mga hikaw, tattoo nya sa lahat ng parte ng kanyang katawan at ang pang-motorsiklo n'yang damit. Hindi lang sa pagkakaiba nya Dad kaya ko sya mahal na mahal, ito ay dahil sa buntis ako at sabi ni Mark na gusto n’yang magkaanak sya sa akin para lalo kaming sumaya sa aming pagsasama. Kahit na matanda sya sa akin (42 na s’ya Dad, ‘di pa naman matanda sa ngayon and edad nya ‘di ba?) kahit na wala syang pera, ‘di naman ito hadlang sa aming relasyon, hindi ba Dad?
Siya nga pala Dad, maraming CD collection si Mark, meron din s’yang trailer na truck na kung saan doon kami magsasama, pinaka bahay na namin ang trailer, at marami na rin s'yang stock na panggatong para magamit namin sa buong buwan ng taglamig. Totoo na meron pa s'yang ibang girlfriend pero alam ko na magiging tapat sya sa akin sa kanyang sariling pamamaraan, sa katunayan gusto n’yang magkaroon kami ng maraming anak at ito ang isa sa aking ambisyon. Tinuruan na nga pala n'ya akong humithit ng marijuana at totoong masarap sa pakiramdam, sa katunayan nagtanim na s’ya para ipagpalit sa aming mga kaibigan ng shabu at ecstasy na gusto namin.
Dad, sana ipagdasal mo na matuklasan na ang gamot sa AIDS para gumaling na si Mark, kasi deserving naman sya na gumaling!! Huwag kang mag alala Dad, 15 years old na ako at alam ko na kung paano pangalagaan ang aking sarili. Makikita mo Dad, ipagmamalaki mo rin ako at balang araw bibisita kami sa inyo para naman makilala mo ang iyong mga apo.
Nagmamahal mong anak,
Irene
PS:
Dad, hindi totoo mga sinabi ko sa sulat. Nandito lang ako sa kapitbahay, ipinapaalala ko lang sa iyo na mas marami pang dapat ikatakot sa buhay kesa sa aking report card na nasa drawer. Pakipirmahan na lang po at tawagan ako kung safe na akong umuwi dyan sa bahay.
I love you...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home