Wednesday, August 23, 2006

Ginapang Ako!

Napansin ko na siyang aali-aligid bago ako matulog pero 'di ko pinansin. Antok na antok na ako, bibigyan ko pa ba siya ng atensiyon? Mga alas-dos na ng madaling-araw, ginising ako ng marahang dampi ng kanyang kamay sa aking paa, gumapang sa binti, hanggang sa balakang at umakyat sa braso papunta sa aking...
Napabalikwas ako at binigyan ng mag-asawang sampal ang damuho. Sargo ang laway.
ANG BAHO!!! Nalaglag sa sahig, hinagilap ko ang sinelas at pinalo siya nang pinalo...
'Langyang IPIS 'toh!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home