Thursday, August 24, 2006

Ang Nawawalang Piso...



Kahapon, sa aking pagmumuni-muni ay nakatanggap ako ng e-mail mula sa isang mabuting kaibigan. Dali-dali kong binasa sa pag-aakalang ito'y mahalaga... at nang ito'y aking mabasa, haayy... kamote! Sumakit ang ulo ko sa kaiisip, kaya naisipan kong i-post ito dito sa blog at subukin din ang inyong mga utak...

O, tingnan ko nga kung kaya n'yo 'to... Saan nga ba napunta ang piso??? Sagutin nyo nga... na-ma-migraine na ako sa kakaisip!... hehehe! Nakakatuyo ng utak!

Huwag n'yo lang dibdibin masyado ha... piso lang 'yan...

May natagpuan kang T-shirt sa Department store, ito ay nagkakahalaga ng Php97.00. Wala kang pera, kaya humiram ka sa nanay mo ng Php 50.00 at sa tatay mo ng Php 50.00. Magkano na pera mo? (ans: Php 100.00)

Binili mo ang T-Shirt. Magkano sukli mo? (ans: Php 3.00) Binalik mo yung piso sa nanay mo, magkano na lang ang utang mo sa nanay mo? (ans: Php 49.00) Binalik mo yung isa pang piso sa tatay mo, magkano na lang utang mo sa tatay mo? (ans: Php 49.00)

Yung isang piso na sa iyo. Eto na ang pang-gulo... 49 + 49 ? (ans: 98) + piso na nasa iyo? (ans: 99) Nasaan na yung Piso?

Eto naman ang isang kalkulasyon:

49 Php ang utang mo kay nanay plus yung ibinayad mong piso equals to 50. 49 Php ang utang mo kay tatay plus yung ibinayad mong piso equals to 50. 50 + 50 ? (ans: 100) + yung piso na nasa iyo... (ans: 101)

Bakit sobra ng piso?

Tumubo pa ng piso?! "

1 Comments:

At 7:30 AM, Blogger Unknown said...

50 hiniram mo sa nanay mo + 50 hiniram mo sa tatay mo = 100 pesos
100 pesos
-97 t-shirt
=3 pesos

50 - 1 pesos to your nanay
50 - 1 pesos to your tatay
= 89 pesos utang mo

98 pesos utang mo
-97 t-shirt
=1

1 pesos is your changes to your t-shirt from your 98 pesos created to your nanay and tatay

simply!

 

Post a Comment

<< Home